Thursday, August 30, 2012

Jeepney Love Story 1: Sulyap



andi's pov

5:30 am 

nagmamadali akong gumayak dahil baka malate na ko sa school..
7:00 kasi simula ng klase ko at 1hour ang byahe kaya kailangan ko na talagang magmadali...whew! 

mabilisang gayak natapos ako ng 6:04 nyaaaah! 
kinuha ko ng gamit ko at dali dali akong bumaba at deretso labas na...
sige lakad hanggang makarating ng sakayan ng jeep....
asar nagugutom ako pero wala ng kong tym para kumain...tsss...
haay di bale sa skul nlang pagkataos ng first subject...
nakatayo lang ako sa gilid ng highway habang naghihintay ng jeep na pwede kong sakyan...
chamba naman may dumaan agad...swerte! ^_^
kaso.....
sa dami naming naghihintay ng jeep dun....ayun di pa rin ako nakasakay...
naunahan ako...tsk! malas! =__="

sige hintay ulet ng bagong jeep.....hmmmm
1......
2.....
3.....
4.....
5......
6......


peeeeeeeeeeeeeet!!
ayun jeeeep!
takbo ako sa pinto ng jeep nakipagsiksikan ako tapos ....
yes! ayun nakasakay...^_^! ayos!

ganda pa ng pwesto ko...medyo maluwang pa....^__^
kinuha ko ung cellphone ko at earphone sa bag ko saka ko ini-on ang mp3 player....
np: one last breath by creed......
tapos kinuha ko ang wallet ko sa bag ko kumuha ko ng pamasahe at nagbayad sa kundoktor....
nagpalinga linga ako sa loob ng jeep...tiningnan ko mga kasakay ko....
maya-maya...
parang naramdaman ko na may nakatingin sa akin...

hanggang sa magawi ang mata ko sa katabi ko...O_O

huling huli kong nakatingin sya tapos biglang iwas ng tingin nung gumawi ang tingin ko sakanya...
biglang lakas ng kaba ng dibdib ko...
pano ba naman kasi.....



ANG GWAPO NYA!!  >3< .



yaaaaah! ano ba yan....nangingiti pa ako kahit wala naman dahilan...grabe...

kung sya ba naman ang makikita ko tuwing umaga  siguro buo na lagi ang araw ko...heehee...^__^

pinapakiramdaman ko sya...di na sya lumilingon sa gawi ko...aww...nakakalungkot naman...=__='
sana biglang magpreno ang jeep para alam mo na...hehe nasa gawing harap kasi sya tapos ako sa gawing likod kaya pag nagpreno.....madidikit ako sa kanya...kaso...
wala maingat magdrive si mamang driver...=_=''

maya-maya....
"para na po...." narinig ko mula sa kanya...
sya na ba ang bababa???
aaay...=3= bakit bababa ka na...?

tumingin ako sa kanya...
napatingin din sya sakin...yun tingin na alam mo yun...parang.....
"una na ko" parang yun ang ibig sabihin ng tingin nya eh....
ok sabi ko din sa isip ko...haha assuming si ako...
feeling ko naguusap ang mga mata namin.. kinilig nanaman ako...ayiiiih!
pero wala na sya....bumaba na sya sa isang university na nadadaanan ko sa twing sumasakay ako ng jeep papuntang skul...





nakarating na ako ng school ko nakangiti pa rin ako...
tiningnan ko ang oras sa relo ko...
O__O  OH -MY -GOSH!  late na akoooooo!
lakad-takbo ako papuntang room....
buti nalang.....  naabutan ko papasok palang din ang prof ko...magkasunod lang kami...
konti lang lamang nya sakin haha....
ayun pagpasok ko naupo na ako sa upuan ko....then nag'umpisa na ang klase...
but still sya pa rin ang nasa isip ko....
lutaaaaaaang........=_____="
ngingiti...^3^....tapos kikiligin...>3<...............
buti nalang di ako napapansin ng prof ko.... 
maghapon yata sya lang nasa isip ko.....pabalik balik ...
tataka nga mga friends ko...pag kinakausap daw nila ko lagi lang akong nakangiti..haha well bahala sila...^_^"




noel's pov


huminto ang jeep...
.maraming pasaherong sumakay....
pero isa lang nakaagaw ng pansin ko...
maganda sya...
nung malapit na sya sa pwesto ko..umusog ako ng konti para kumasya sya sa tabi ko..
di ko sinasadya yun...siguro nakita nya na dito na lang ang medyo maluwang na pwesto sa tabi ko....
di sya lumilingon...abala sya sa pagpipindot sa cellphone nya na kinuha nya sa bag nya...
kinabit nya ang earphone sa tenga nya.... tapos may kinuha ulet sya sa bag nya...
aaah magbabayad na sya...malapit na pala sa gawi namin yung kundoktor...


matagal ko din syang pinagmamasdan..hanggang sa..
nakahalata na yata sya na nakatingin ako sa kanya....
gumala ang mata nya tapos...................................
O_O".
iwas agad ako ng tingin...tssss..! nahuli kaya nya kong nakatingin sa kanya?
pakiramdam ko biglang namula ang muka ko kaya di na ko tumingin sa gawi nya...shit baka makahalata pa..
ang lakas ng kaba ng dibdib ko...
magkatabi pa naman kami baka marinig nya...
ako nga nabibingi sa lakas eh...ay asar...pano ba to hinaan...tsk!

ah eto na malapit na pala akong bumaba...kinakabahan pa rin ako..geez.. 

"para na po...." sabi ko sa driver...
naramdaman ko nakatingin sya sakin kaya pagtayo ko habang nakayuko tumingin din ako sa kanya...
saka ako nagpaalam sa isip ko...tsss...ano ba tong ginagawa ko...nagmumuka na akong tanga..!.
feeling ko kasi naintindihan nya yun tingin ko..parang nag'usap ang mata namin..

pagbaba ko ng jeep....
lumakad na ko wala ng lingon lingon natatakot akong baka mahuli nya ako........=__=
magkikita pa kaya kami...?
anung araw ba ngayon...?
tiningnan ko calendar sa cellphone ko...
tuesday...
pagpasok ko sa gate ng school..nakasalubong ko si leslie ang bestfriend ko...

"oi san ka pupunta? wala bang klase?" tanong ko sakanya
"oi  bes wala si sir...pupunta kong computer shop may papaprint ako sama ka?" tanong din nya sakin
"ah di na.. kita nalang tayo sa room mamaya.." sagot ko sabay lakad na ulet...
dumeretso ako sa garden ng school saka ako nagbuklat buklat ng dala kong libro..... O_O"
anak ng pating!  wala din pumapasok sa utak ko...ang magandang  mukha lang nya nakikita ko..
pambihira!






thursday morning~ 
andi's pov

4:45 am
=_____=" ang aga ko nagising....haaaayyy....
*yawn

nakakainis... >_<
2days ng di ko sya nakakasakay sa jeep...di ko na yata talaga sya makikita ulet.... 
dapat di na ko umasa na makakasakay ko sya ulet...
sa dami ba naman kasi ng jeep na dumadaan dito malay ko kung san sya nakakasakay di ba? 
hay makapag-gayak na nga...=_='




after 1hour...
palabas na ako ng bahay...
tulad ng dati lakad muna papuntang sakayan ng jeep....
medyo antok pa talaga ako...aga kasi nagising tsk! kaya eto medyo pikit pikit pa mata.....
may dumaan na jeep...
lumampas.....
sumunod....
huminto.....
sakayan mga tao....
naiwan nanaman ako.....
hintay nanaman.....
inis!...tagal....>_>'

"oh eto na ang jeep.!!" sigaw ng isang dispatcher

"ay palaka!" nasambit ko sa pagkakagulat....>///>
punta agad ako sa pinto ng jeep..nauna kong nakasakay...saya...^_^
mula sa pinto...isa..dalawang tao ang nilampasan ko bago ako naupo...
tapos ang gaya ng dati kinuha ko ulet ang cp at ep ko saka nagsoundtrip...then bayad sa kundoktor...
di ko na tiningnan kung sino mga sakay ng jeep..
.ayoko ng madisappoint pag nalaman ko na wala sya..2 days na kong nagmumukang tanga..... kaya yumuko nalang ako at nagkutingting ng cp ko...

maya-maya.....

habang nakayuko ako...
nakaramdam nanaman ako na parang may nakatingin sa akin.....
kumabog ang dibdib ko..
lub'dub..lub'dub... eeeeerr.. bakit? 
nacurious talaga ako...kaya.....inangat ko ang ulo ko...at.................
O_O..
>_<..
O_O
my gosh...di ba ako namamalikmata...

nasa harapan ko lang sya ...nakatingin sya sa akin...
saka sya ngumiti..sabay iwas ng tingin....O_O"

kitang kita ko na namula ang muka nya...anu kaya ibig sabihin nun...?
nginitian nya ba talaga ako...? di kaya namalikmata lang ako...
aissshh! anu ba yan!  ang lakas nanaman ng pintig ng puso ko...at sobrang kinikilig nanaman ako...waaaaaah! mamamatay na yata ako sa kilig...
makita ko nga lang sya ulet masaya na ako...pero yung ngitian nya pa ko grabe na to...yaaaah! 
^_____________^ di ko nanaman mapigilan ngiti ko....kusa syang ngumingiti...
may sariling buhay yata ang bibig ko eh..
nakatingin lang ako sakanya....di ko mapigilan...di naman kasi sya nakatingin....
pero nung naramdaman ko na parang titingin sya...bigla akong tumingin sa labas....>_>
tapos ang tagal nyang nakatitig sakin....nakikita ko sa gilid ng mata ko....

di na ko makatagal...
balak ko na sanang salubungin ang titig nya kaya humarap ako sakanya...kaso sya naman ang biglang nag'iwas ng tingin...dun naman sya tumingin sa gawing harap...aaaaaay....=3=
ilang beses din kami nag iwasan ng tingin...
hanggang sa...
biglang nagpreno ang jeep...
napakapit ako sa handle sa taas tapos napatingin ako sakanya...
at....nagtama din ang tingin namin...
di ko na inisip kung bakit biglang nagpreno ang sasakyan... buhay pa naman kami eh...
mahalaga etong moment na magkatitigan kami...
di ko na namalayan nung umandar na ulet ang jeep...
di na yata magiging normal ang tibok ng puso ko...lalo pa yatang bumilis.......
matagal din kami sa ganong ayos...magkatitigan...nag'uusap ang mata...walang nagsasalita...ewan..
basta...
  
hanggang sa parang bigla syang may naalala...tapos..

"mama para na po..! sigaw nya sa driver ng jeep..
pagtingin ko sa labas...
oh my! lampas na sya..!O_O"
buti nalang medyo malapit pa..pwede pang lakarin..
gosh ...pareho bang lumipad ang mga kaluluwa namin kanina?
napangiti ako sa naisip ko...kinilig kumbaga...yaaaaah! >3<



noel's pov


sh*t muka akong tanga..! lumampas pa ako...tss.! 
bakit ba kasi.....

FLASHBACK


nagulat ako nung makita ko syang pasakay ng jeep...
sya ba talaga to? O_O
parang gusto kong maiyak sa tuwa..
ang puso ko...nagwawala na yata...lakas nanaman ng tama...
namiss ko sya sobra...TT_TT
pero bakit parang di nya ko pinapansin....
ay tanga...bakit ba nya ko papansinin eh di nya nga ako kilala....! =_="
naupo sya sa katapat kong upuan....
nakayuko lang sya...
tulad ng una ko syang makita.. may kinuha ulet sya sa bag nya at yun ulet ang ginawa nya...nagbayad tapos yumuko hawak ang cp nya....
may katext kaya sya...? =3=
tss...pambihira! wala ba talaga syang balak magpakita ng muka?!
at biglang O_O"
nagulat ako...
ang dibdib ko nagdrum nanaman.
inangat nya ang muka nya!
tapos ang muka nya....
O_O ..
>_< ..
O_O 
nagulat din yata sya...
napangiti ako...
geez! bat ako ngumiti tanga ko talaga..! 
umiwas ako bigla ng tingin nakakahiya yun...sh*t.... >_<

after 30 seconds...

di na kaya sya nakatingin?
tigas naman ng muka ko as if naman titingnan nya ako ng matagal..!
tumingin nalang ulet ako sakanya...bigla syang tumingin sa labas....
huh? O_O'
nakatingin kaya sya sakin kanina?
geez....noel wag kang mag-inaso...sabi ko sa sarili ko
pagkakataon ko na to para titigan sya ulet.
....
...
..
..
..
.
bigla nanaman syang tumingin sakin....
iwas nanaman ako ng tingin sh*t... bakit ba kasi di ko masalubong ang tingin nya.....? 
tingin ako..
iwas sya..
tingin sya..
iwas ako..

hanggang sa.....

eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeehh!

ang jeep biglang nagpreno...buti nakahawak ako sa handle..
napatingin ako sakanya...
nag'alala ako baka kung napano sya...
nakahawak din sya sa handle...
at napatingin din sakin.....
O_O
....
...
..
..
..
O_O

nagkatitigan kami......
ang tagal....
nag'uusap ng mata namin....
ang puso ko nagrarambol na.
para kong sinapian...di ko na natanggal ang pagkakatitig ko sakanya...
hanggang sa....
may narinig akong parang tumawag sakin...
"NOEL!! SAN KA PUPUNTA! " 
para akong nagising sa pagkakatulog...
napatingin ako sa labas
sh*t .! lampas na pala ako!

"mama para na po..! sigaw ko nabigla ako eh....sabay baba....buti nalang  pwede pang lakarin
napangiti nanaman ako nung maalala ko ang nangyari kanina...^_______^

"NOEL! BES! " si leslie sumisigaw..
O_O sya yata yung gumising sakin kanina habang nananaginip ako sa jeep...

"leslie...bat nandito ka pa sa labas? tara na." ^___^ sagad ang ngiti ko habang nagsasalita..

"napano ka ba ha...nakita kita sa jeep nakatulala ka..kaya kita tinawag..! " tanong ni leslie na salubong ang kilay

"hehehehe!! salamat bes...pero ok lang din kung di mo ako tinawag..hahaha! " O_O -ano ba tong sinasabi ko..?

"oh bakit? baliw kana ba? wala ka bang balak pumasok.?"

"ah hindi....joke lang...ah bes....pwede ba akong humingi ng pabor sayo? ^3^ -ako

"huh? anu ba yun? basta ba kaya ko..." =_="

"kasi...........................
.....
....
...
..
..
.
"what?! talaga!? bes binata kana..! kaso ang hina mo bakit di mo kinausap??  tss..! tanong ni leslie sabay binatukan ako..

"kaya nga nanghihingi ng tulong diba?tsk ! wag ka ng manapok langya naman oh..-ako

"tss.. eengot engot ka kasi eh....ok... tutulungan kita sa isang kondisyon....^_^

"o anu yun..? =__="

"basta ba................
.............
............
........
......
....
......


ok....







tuesday morning~
andi's pov




eto malungkot nanaman ako....ilang araw ko nanaman syang di nakita eh....
kainis!....bakit ba kasi iniisip ko pa sya..??


sana naman ngayon mkita ko sya...tutal tuesday ko sya unang nagkasabay sa jeep....=3=

malapit na ako sa sakayan ng jeep....
naghintay muna ako dun....
ilang minuto ang lumipas bago may humintong jeep....
swerte naman nakasakay ako agad...
nagpalinga linga agad ako...di ko na napigilan ang mata ko eh...^_^

pero di nga ako nagkamali...

nasa jeep nga sya....

nakasabay ko nga sya sa jeep ngayon pero
......
......
.......
...
  
sino yung kasama nya....??


parang may sumaksak sa dibdib ko...

ang sweet nila...bakit ganun...?

ang sakit....parang di ako makahinga....


may binubulong yung girl na katabi nya sakanya...
tapos nagtawanan sila....sh*t anung pinagtatawanan nila? ......
bakit tumitingin sa akin yung girl.... ako ba ang pinag'uusapan nila?

naramdaman kong naginit ang mata ko....

di ko na to kaya... nararramdaman ko nang nangingilid na ang luha ko...kaya..


"m-mama para po..!  sabi ko na nanginginig ang boses... 

paghinto ng jeep bumaba agad ako...

nakayuko lang ako...
nabingi na ako...wala na rin akong makita...
sobrang sakit ng nararamdaman ko...
wala na akong pakialam sa mga tao na nadadaanan ko na tumitingin sa akin...
lakad lang ako ng lakad...hanggang sa......
......
...
..
..
.
"miss! " 

ako ba tinatawag nun...?

"miss teka hintayin mo ako..! "

ako nga yata..saka ako huminto....di ako lumingon...
hinintay ko lang syang makalapit...

 nakayuko pa rin ako ng makalapit sya.......saka ko tinanong...

"anong kailangan mo? sino ka ba??"

"a-ah.......*sigh ...i'm noel...bakit ka bumaba sa jeep? di ka ba papasok? masama bang pakiramdam mo??

pinunasan ko ang muka ko bago ako tumingin sakanya....then
.
.
.O_O

"ikaw?! bakit ka nandito?! bakit ka bumaba ng jeep? asan ang girlfriend mo? baka magalit yun sayo.."sunod sunod kong tanong sa kanya...

sya naman parang nagulat....tapos ngumiti na parang nahihiya sabay kamot sa batok...

"isa isa lang po ang tanong, mahina po ang kalaban...hehe ^___^" -sabi nya

"ok..=__=" bakit mo ako sinundan? baka hanapin ka ng girlfriend mo.

"ah wag kang mag'alala sa kanya ayan lang naman sya sa likod mo eh...^__^

"huh?! O_O " tumingin ako sa likod ko andun nga yung babae.. =_="
anong balak ng dalawang to sakin...trip ba talaga nila ako..? anong kailangan nila?

"ano bang kailangan nyo sakin bakit ba nyo ako pinapakialaman,?!  pinapahirapan.. "-sabi ko sabay lakad ulet ayokong makita pa nila kong nasasaktan

pero sumunod pa rin sya....bakit? anu bang gusto nyang palabasin? nasasaktan na nga yung tao ang manhid ba?!

"t-teka miss... O_O" a-ah eh bakit ka umiiyak? tanong nya sakin.

"wala kang pakialam! magsama kayo ng girlfriend mo!! " lalakad sana ako ulet pero hinarang nya ako.....
sa kanan..humarang
sa kaliwa..humarang...

"anu ba problema mo?!.."- tanong ko
naiyak na kong tuluyan sa harapan nya...bakit ba ang hirap pigilan ng luha...?!TT-TT
at bakit ba ko nasasaktan ng ganito?!

"i-ikaw...ikaw ang problema ko..." -sagot nya na mukang hiyang hiya pa habang sinasabi

O_O  "huh?" - napatingin ako sa mukha nya... ano daw???

"di ka mawala sa isip ko.....
gabi gabi ikaw napapanaginipan ko...
tuwing sasakay ako ng jeep hinihiling ko na sana kasabay kita...
di ko alam kung bakit..." -mahaba nyang litanya


nagulat ako sa mga pinagsasabi nya...totoo bang lahat ng narinig ko?
nananaginip ba ako..???
lalo tuloy akong naiyak..TT__TT


 "oh bakit ka nanaman umiyak? may nasabi ba akong di maganda? sori sori... please wag ka ng umiyak... " -sabi nya na di alam kung pano ako aaluin..


"you mean.....gusto mo ako?? ganun ba yun? "- tanong ko sa kanya

namula nanaman mukha nya at di sya makatingin ng deretso sa akin...

"eh kasi..... oo g-gusto kita....nung una palang kitang makita sa jeep *sigh... di ka na mawala sa isip ko.." - >_> sabi nya na sa malayo nakatingin.. di ko tuloy alam kung paniniwalaan ko ba ang sinasabi nya.

"niloloko mo yata ako eh.! sasabihin mong gusto mo ako kahit may girlfriend ka?! ni hindi ka nga makatingin ng deretso eh! " sigaw ko sa kanya

nabigla yata sya sa sinabi ko...napatingin sya sa bandang likuran ko... kaya sinundan ko ng tingin yung tinitingnan nya..
nakita ko yung girl na kasama nya sa jeep kanina...nakangiti..
anong trip ng mga to!? ang weird nila...pinaglalaruan yata nila ako..>_<

"sabihin mo na kasi at ipaliwanag mo sakanya ng maayos engot! anu pang silbi ng mga tinuro at  sinabi ko sayo?! totorpe torpe ka dyan! "-sabi nung girl na nakangiti parin kahit medyo naiinis na..

ano daw?? tinuro? sinabi? ano yun? ano ba talaga gusto nilang palabasin!?

"pwede ba linawin nyo nga?! naguguluhan na ako sa mga paligoy ligoy nyo..ano ba da[pat kong malaman!?" -tanong ko na inis na inis na

"kasi.." 

"kasi ano?!" -ako

"hindi ko sya girlfriend..kung si leslie ang tinutukoy mo ..bestfriend ko sya.... gusto ko lang sanang tanong sayo kung..................." 

"kung ano?! "-tanong ko


"kung pwede ba kitang ligawan?? " - sagot nya habang nakayuko at nakahawak sa batok.. 

O_O tama ba narinig ko? liligawan nya daw ako..?? bestfriend nya lang pala yung girl na akala ko girlfriend nya..waaaaah!! para pala akong tanga na nagseselos....=3=

"ayiiieeehhh!.... *clap clap clap* bes ang korni mo pala pag in love hahaha!!!" -biglang singit ni leslie nakakahiya tuloy..>_< pinagselosan ko pa sya.. 

si noel naman hiyang hiya parin....di na nakapagsalita dahil sa sinabi ni leslie... ako wala akong masabi...ang saya ko...di ko maipaliwanag..akalain mo yun...gusto din pala nya ako....^3^ 







at pagkatapos ng eksenang yon......
tuluyan na nya kong niligawan....
palagi na kaming magkasabay sa jeep.....
close na rin kame ni leslie...ang kulet nya pala...hehe
kinwento nya rin sakin kung paano sya nagpaturo kay leslie kung paano ako kakausapin at liligawan di daw kasi sya marunong ^_^ torpe kasi.. sinabi nya rin ang kundisyon ni leslie na sasabay sya sa kanya para makita ako..yun nga ang araw na nakita ko sila sa jeep na magkasama at nagbubulungan..hehe yun pala yun..nagselos pa ko..pero buti nalang talaga...haha
hanggang sa dumating ang araw na sinagot ko sya...
yep...kami na...! at super saya na namin ngayon...^_^


                                                                                   -the end-
========================================
------>brokilya

No comments:

Post a Comment