Thursday, August 30, 2012

Jeepney Love Story 2: Barya


====#==============#=============#================#===
Hello!
Ako si Raquel. Twenty years old na ako ngayon.
Gusto kong ikwento ang isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko makalimutan three years ago.
And this is the story I'm talking about...

3 years ago...

KASAMA na sa araw-araw na routine ko ang pagsakay sa jeep.
Duon kasi ako sumasakay kapag pumapasok ako sa eskwela since wala naman kaming sariling sasakyan.
Then isang araw, papasok na ako sa skul. An ordinary day again... Nagdalawang isip ako na pumasok dahil dalawang subjects lang ang papasukan ko at alam kong wala naman masyadong gagawin. Pero sa huli ay nanghinayang ako sa attendance kaya nagdesisyon akong pumasok nalang.

Pasakay na ako sa jeep ng biglang tinawag ako ng bunso kong kapatid.

"Ate!"
"Oh bakit." Tanong ko.
"Pinapahabol sayo ni nanay itong payong mo nakalimutan mo daw."
"Sus! Iniwan ko talaga yan. Sige na umuwi ka na. Salamat!" Sagot ko sa kanya saka na ako tuluyang sumakay ng jeep.
Maganda naman kasi ang panahon hindi gaanong mainit kaya naisipan kong iwanan muna ang payong ko bawas na rin sa bigat ng bag. Ngayon lang naman, katamad eh.

Nagsimula ng umusad ang jeep kaya dumukot na ako ng pamasahe sa bulsa ng bag ko.
Kaya lang, nung paghugot ko ng barya ay may nahulog na ilan.

"Tsk!"
Nang pupulutin ko na ang mga barya ay may nakauna nang pumulot niyon.
Iniabot nya sa akin.
Inabot ko naman mula sa kamay nya.

Nang sumayad ang  dulo ng daliri nya sa palad ko at maramdaman ang init niyon ay hindi ko maipaliwanag at maintindihan kung ano ang kakaibang naramdaman ko. Alam mo yung bigla ka nalang kinabahan na ewan?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napatingin ako sa kanya. Sa taong kaharap ko na nag'abot sa akin ng coins.

"Salamat." Nasambit ko habang nakatitig ako sakanya.
Bahagya lang siyang ngumiti sa akin bago bumaling muli sa bandang harapan ng jeep..

Hindi ko inaasahan... gwapo pala siya.

Nararamdaman ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Tumingin ako sa paligid at napansin kong marami rami na rin pala ang nakasakay sa jeep kaya nagbayad na ako.

"Bayad ho, makikisuyo." Pakisuyo ko habang iniaabot ang bayad ko sa katabi ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na napasulyap sya sa akin. Pero kaagad din nagbawi ng tingin. Parang nadistract lang sya kasi sa pagsalita ko.
Tss! Wala yata akong charm sa paningin nya...

Nang nasa kalahatian na kami ng byahe ay sumilip na ako sa bintana.
Dito na kasi yun lugar kung saan maganda ang tanawin at medyo sariwa pa ang hangin, bukid kasi kaya may mga puno pa sa gilid ng daan, mahangin at maaliwalas tingnan.

Isa't kalahating oras ang byahe mula sa amin hanggang sa syudad kung saan naroroon ang eskwelahan na pinapasukan ko. Kaya naman sa tuwing dadaan na ang jeep dito ay nakasanayan ko na ang sumilip sa bintana ng jeep at pagmasdan ang magandang tanawin pampalipas ng inip.

Maya-maya ay biglang huminto ang jeep.
Hinintay ko na may bumaba o sumakay pero wala.
Ano kaya nangyari?

"Ma, bakit tayo huminto?" May isang ale ang nagtanong.
"Pasensya na ho, nasiraan tayo." Sagot ng driver.
"Anong sira? Magagawa pa ba yan?" Tanong naman ng isang mama.
"Ichecheck ko lang ho." -driver
"Malas naman! Dito pa tayo nasiraan." Nasambit nung mama.
"Bakit pare?"Tanong ng kasama nito.
"Mahirap sumakay dito kasi kadalasan puno na ang jeep, saka madalang may magdaan." sagot naman agad nito.

Nag'alala ako ng marinig ko ang sinabi nung mama.
Malas nga... Naibulong ko.

Ang ibang pasahero bumaba na ng jeep para maghintay ng ibang magdadaan. Yung ibang lalaki naman nilapitan ang driver na tinitingnan ang makina ng jeep.

Nang napansin kong ako nalang ang naiiwan sa loob ay nagpasya na rin akong bumaba.
Hindi rin pala gaanong malas, kasi mapagmamasdan ko ng mas matagal ang magandang tanawin dito.
Ramdam na ramdam ang lakas ng pag'ihip ng sariwang hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

Biglang naman sumagi sa isip ko ang lalaki kanina.
Ano kaya ang ginagawa nya ngayon?
Sinuyod ko ng tingin lahat ng kasama ko sa jeep kanina. Di ko sya natagpuan.
Nasan na sya?

Biglang may humintong lumang kotse malapit sa pinaghintuan namin.
Sumakay duon ang ale na may kasamang bata. Siguro nagpasundo.
Napansin ko rin na yung ibang kalalakihan sumasabit na lang sa jeep kapag may dumaan.

Naisip ko tuloy sa ganitong pagkakataon, ok pala maging lalaki. Napangiti ako sa isiping yun.
Duon ay sumingit nanaman sa ala-ala ko ang gwapong lalaki kanina na nag-abot ng coins ko.

Di kaya sumabit na rin sya kaya di ko sya makita?

"Mukhang kailangan po talaga nito ng mekaniko kuya." Narinig ko sabi ng isang lalaki sa di kalayuan.
Napalingon ako sa nagsalita, sa makina sa harapan ng jeep nakita ko sya kausap si manong driver.
Nandun pala sya... si Mr. Gwapo.
Tinitigan ko sya habang nakikipag'usap sa driver.

"Mas kabisado ko po kasi ang makina ng kotse, ilang beses na rin po kasi ako nasiraan ng sasakyan." Narinig kong sabi nya ulit.

May sasakyan pala sya. Sabagay halata naman sa porma ang estado nya. Mukang mamahalin lahat ng suot nya mula ulo hanggang paa. Tsk! Kaya siguro wala akong charm sakanya kasi mayaman.

"Pero bakit sya nakasakay sa jeep?" naitanong ko sa sarili ko.

"Opo, kaya lang tulad nitong jeep nyo kailangan na rin ipagawa. Ngayon ko sana sya susunduin sa pagawaan." Muli narinig ko mula sakanya.

Ah kaya pala. Ang galing naman parang narinig nya ang tanong ko.

"O isa nalang!" Nagulantang ang diwa ko ng marinig ko ang malakas na sigaw ng isang mama.
Napalingon ako sa daan. May jeep nanaman palang dumating at yung dispatcher pala ang sumigaw.
"Miss may isa pa sa loob." Baling sakin nung mama. Tumingin ako sa paligid. Ako nalang pala ang nandito.
Teka sasakay na ba ako? Lumingon muna ako sa harapan ng jeep sa kinatatayuan ni Mr Gwapo. Nakita kong kausap pa nya ang driver. Ibinalik ko ang tingin ko sa dispatcher saka ako lumapit sa jeep.
Tiningnan ko muna ang loob ng jeep.

"Meron pa yan miss. O usog usog lang sa kanan!!" Sigaw ng dispatcher sa mga pasahero ng jeep.
 "Wala na nga eh pinipilit pa!" Parinig ng isang ale sa loob.

Mukhang wala naman na talagang mauupuan kaya umatras na lang ako. Ayoko rin naman talagang umalis eh. Gusto ko pa kasing makita at makasama kahit saglit pa si Mr Gwapo.

Maghihintay nalang ako ulit. Siguro naman may dadaan pa... Nakasakay na nga halos lahat ng kasama ko so ibig sabihin may dadaan pa.
Sino na lang ba ang kasama ko dito? 

Tumingin ulit ako sa gawing harapan ng jeep.
Teka wala na siya duon.
Nasan na sya?

Nakaramdam ako ng kaba.
Umalis na din kaya sya?

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Nang di ko pa rin sya makita ay pumunta na ako sa harapan ng jeep.
Inabutan ko si manong driver dismayadong nakatingin sa makina ng jeep.
Pero nasan na siya?
Di ako nakatiis ay naglakas loob na akong nagtanong sa driver.

"Ma, asan na yung lalaking kausap nyo kanina?"
"Alin yung magandang lalaki kamukha ko?"
"Ho?"
"Haha! Biro lang ine, siya ba ang hinahanap mo?" Sabay turo sa lalaking nakaupo sa tabi ng driver seat at kasalukuyang nakatingin sa amin.
Mukhang nagtataka sya kung bakit tinuro siya ni manong.

Pahamak din itong si manong eh.

Bumaba siya ng jeep saka tinanggal ang headphone na nakatakip sa tainga nya.
Kinabahan nanaman ako. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko.

Sana naman wala siyang isiping kakaiba tutal mukhang wala naman syang narinig dahil may nakatakip sa tainga nya.

"May problema ho ba?" Tanong niya kay manong driver.
"Wala naman binata, ito kasing nobya mo hinahanap ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mamang driver.

"Huh?!" Nagtataka naman na reaksyon niya.
Anong gagawin ko? Nakakahiya!

"Ah manong hindi po nya ako girlfriend." Paliwanag ko sa driver.
"Ha? Ganun ba, eh bakit mo siya hinahanap?!" 

 Oh my gosh manong why ganyan you?!

"Teka hinahanap mo ako?" Sabad naman ni Mr Gwapo.

"Hah?" 
Ano isasagot ko??? Bakit ko nga ba siya hinahanap??? Tanga tanga naman oh! Hanubayan... God please help me...

Kaagad naman dininig ni God ang panalangin ko.

Biglang umulan.
"Ay! Umuulan!"Sigaw ko sabay takbo sa loob ng jeep.
Yes! Safe na ko!

Pumasok na din ang driver at naupo sa upuan nya.
Nagulat naman ako ng biglang pumasok sa loob ng jeep si Mr Gwapo.
Akala ko dun siya babalik sakinauupuan nya kanina, sa tabi ng driver kaya sa dulo ng upuan lang ako naupo para malayo sa kanila sana.
Kaso eto na siya eh.
Kasama ko sya sa loob ng jeep at halos magkatapat lang kami.

Nakatingin sya sa akin.
Paano kung tanungin nya ako ulit?
Patay! Patay! Patay!
.....
......
......
.......
........
..........

"So... What?"

"Huh?!" Nagulat ako nang bigla syang magsalita.

"Hinahanap mo ako diba?"

Gosh! Talagang tatanungin nya pa ako ng ganito? Ano isasagot ko???
"Ah kase... Ahm..."

"Aryt, I knew it!"

"Hah?!"

"You're just like the others." Yun lang saka sya nagbuntong hininga. Muli niyang ikinabit sa tainga ang headphone nya saka pumikit na parang walang nangyari.

Tss! Kainis! Ang yabang!
Ni hindi nya man lang ako pinatapos magsalita!
Hmm sabagay di ko rin naman alam ang isasagot ko. Haaaay...
Bakit ko nga ba sya hinahanap??
Kasi... wala lang gusto ko lang malaman kung may kasama pa ako. Yun lang!
Di ko sya crush nuh! Sama kaya ng ugali nito! Tss!
Teka nga... Ano kaya ang ibig nyang sabihin dun sa sinabi nya?!
Katulad lang daw ako ng iba?
Tulad ng iba na ano?
Hala! Anong iniisip ng mayabang na to?!

"Malusaw!"
"Ay palaka! Huh??" Napatingin ako sa nagsalita. Sa driver seat nandun nga lang pala si manong at nakatingin lang sa amin. Nawala sa loob ko. Nakita yata nya habang nakatingin ako sa mayabang na to.
Ano ba yan nakakahiya!
Naramdaman kong nag-init ang buong mukha ko.

"Kanina ka pa nakatitig dyan, may dumi ba sa mukha?" Nakangiting tanong ni manong driver.

"Ah wala ho. Napatingin lang." Palusot ko.

"Type mo sya noh?"

Huh? Ano daw sabi ni manong? Ayos din tong si manong mangintriga ah!

"Ah eh manong hindi ho, bakit nyo naman ho nasabi yan?"

"Nakita ko lang. Haha! Pero hindi pala, baka nagkamali lang ako." Aniya na nakangiti pa rin kaya nginitian ko na rin kahit medyo pilit lang.

Ano ba naman itong si manong? Ang weirdo! Parang hindi driver ng jeep! Kalerkey!

Naisip ko nalang na panoorin na lang ulit ang pagpatak ng ulan. Pero saglit ko rin na sinulyapan si yabang bago ko gawin iyon.




Mahigit kalahating oras na kaming naghihintay sa paghinto ng ulan pero parang mas lalo lang itong lumakas.

May bagyo ba? Bakit hindi ko alam? Haaay... Di ko pa naman dinala ang payong ko. Pano na? Nagugutom na rin ako. Di pa nga pala ako nag'almusal. TT___TT"

Sinulyapan ko si manong bago ko tingnan si yabang para alamin kung ano na ang kalagayan nya.

Nakapagtataka dahil hindi man lang sya nag-aalala sa tagal namin na naistock dito. Mula kanina ganun pa rin ang ayos nya, walang pinagbago. Ang tiyaga!

Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa ulan.
"Haaay... Ulan huminto ka naman na please..." Bulong ko.
Humawak ako sa tiyan ko na kanina pa nanghihingi ng pagkain.

Hala! Ang liit na nya! Wala na yatang laman! OoO"

(KRrrruuuuGGgr..) Narinig kong tunog ng tiyan ko.
"Konting tiis pa." Bulong ko.
Ano ba yan para na kong tanga na kinakausap ang tiyan ko. =__="

Nakayuko lang ako ng mga oras na iyon at halos di na maipinta ang mukha.

"Yes?" Narinig ko syang nagsalita. Nakinig lang ako.
"I don't know where exactly I am right now, but I'm at the middle of my way to uncle tony when suddenly the car stopped."
Mukhang may kausap sa cellphone.
"Yeah I'm sorry Pam, I just don't like to use your car. I'd rather try to ride this public utility jeepney."

Pam? Girlfriend kaya???
Bigla akong nakaramdam ng isang tusok ng karayom sa dibdib ko.
Ano yun? Affected si ako? Tss! OA ah!

"Yep! I enjoyed it you should try!--- hahaha! ----No! Don't do that!--- I can wait for the rain to stop so don't do that, aryt?--- Okay I love you too, bye."

Nag-angat ako ng mukha saka sa labas tumingin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
 Tss! Anong nangyayari sakin? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit ako kinakabahan? Anong klaseng pakiramdam to?

Nawala na sa isip ko ang gutom dahil iba na ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nalungkot ako. Parang bigla akong nahawaan ng sama ng panahon.

Maya-maya ay may narinig akong kaluskos ng plastic galing sa direksyon ni yabang pero wala ako sa mood mag-usyoso. Patuloy lang ako sa panonood ng mga nag-uunahan sa pagpatak na butil ng ulan.

Pero ilang minuto na ang nakalipas ay may kumakaluskos pa rin na plastic.

Ano ba yun??

Paglingon ko sa kanya ay nakita kong nakapikit parin sya at may nakakabit na headphone sa tenga habang kumakain ng Doritos.

Nanlaki ang mata ko, pati ang tiyan ko nagreact sa nakita ko.

Ang walanghiya di man lang nang-alok! Napaka-ungentleman! Parang sya lang ang nagugutom dito ah! Hindi ba nya naisip na may kasama syang babae? Hay!


Nagulat naman ako ng bigla syang dumilat. Tinanggal nya ang headphone nya.

"Want some?" Bigla nyang tanong. Nakita nya siguro na nakatingin lang ako sa doritos nya.
Nakakahiya pero hindi ko mapigil, gutom na talaga ako eh. Naiintindihan naman siguro nya di ba?
Sunod-sunod na tango lang ang isinagot ko sa kanya with a bit pout.

"Then buy some." He said.

Saglit akong natigilan.

Ano what?! Bastos pala tong lalaking to eh! Grr! Ang sarap ipalapa sa aso! Itatanong kung gusto ko akala ko pa naman bibigyan nya ako nun pala pabibilihin lang ako! Huu! Kakagigil talaga!

"Oh I forgot, we're trapped here pala so you can't buy." Bigla nyang nasabi.

=____=" di nga? Nakalimutan nya talaga?
Ngumiti lang ako ng pilit na parang ang ibig sabihin ay "ay opo."

"Here. Maybe that's enough. Paborito ko kasi itong doritos eh the reason why I can't give this to you." sabi nya.
Nabigla ako nang inabot nya sa akin ang isang maliit na kahon ng toblerone.

Nag-alangan akong abutin ang toblerone mula sa kamay nya.
Nahiya ako bigla dahil pinag-isipan ko pa sya ng masama kanina.

"I thought gutom ka na? Ayaw mo ba ng chocolate? Wala na kasi akong ibang food dito sorry."

Ganito lang ba talaga sya? Bakit ang thoughtful naman nya ngayon?. Nakakaguilty tuloy yung pinag-iisip ko kanina. Pero gutom na gutom na ako kaya di ko kayang tanggihan ang masarap na tsokolateng ito!

"Ah okay lang kumakain ako ng chocolates. Thank you!"
Kung alam mo lang, gustong gusto ko ng Toblerone! wahaha!
Inabot ko ang toblerone sa kamay nya. Mabilis ko iyon binuksan.

Habang kinakain ang toblerone ay nawala sa isip ko na nasa harapan ko lang pala sya at nakatingin sa akin.

"You're really hungry huh?"

Napahinto ako sa pagkain at napatingin sa kanya.

"H-hah?"

Inabutan nya ako ng panyo na kinuha pa nya sa bulsa nya.
"May dumi ka sa gilid ng bibig mo wipe it."

Hah? Ano daw? May dumi ako sa bibig? Waaah nakakahiya naman!
Pinunasan ko ng kamay ko ang bibig ko nang hindi nag-iisip.

"Wait, here's my hanky you can use it."

"Ah okay lang wag na madudumihan lang yan. Meron naman ako dito." Alangan akong ngumiti bago kuhanin ang panyo sa bag ko.

Pero halos mailabas ko na lahat ng laman ng bag ko ay wala akong nakitang panyo.

Pati ba naman yun nakalimutan ko? Kainis naman oh! T_T

"I guess you've forgot your hanky, anyway you can use mine."

"Hindi okay lang talaga wag na."

Pero natigilan ako ng bigla nyang abutin ang baba ko para iharap ang mukha ko sa kanya.
M-magkaharap ang mukha namin. A-anong gagawin nya? >__<*

Tapos pinunasan nya ang gilid ng bibig ko. Nagawa kong titigan ang mukha nya sa malapitan.
OH-MY-GOSH! Nagtransform sya into an angel!! Ang pula ng lips nya. Ang lantik ng eyelash nya. Ang ganda ng hubog ng ilong nya na matangos. At ang mata nya... Itim na itim... My Gosh!

"Miss okay na." Nagulantang ang diwa ko ng marinig ko syang magsalita.

Hinawakan ko ang gilid ng bibig ko.
"Ah salamat." Saka ko sya nginitian.
Ano ba yan, mukha na yata akong tanga. :'S

"Okay." Tipid nyang sagot saka na sya bumalik sa dati nyang gawi. Ikinabit na nya ulit ang headphone sa ulo nya sa pumikit na parang wala lang.

Hindi ko maalis ang pagkakatitig ko sa kanya. Para nya akong nahipnotismo kanina. Hindi ako makapag-isip ng matino. At ang tanging paulit ulit na nagpplay sa utak ko ay...

"ang gwapo nya, ang gwapo nya, ang gwapo nya, ang gwapo nya, ang gwapo nya."



"Dalaga!"

"Ay gwapo!!!" Gulat kong sambit. "Hah?  manong??"

"Mahina na ang ulan, pakisabi na rin sa kasama mong gwapo na hindi mo type." Panunukso ni manong.
Ano ba naman tong si manong? Intrigerong driver? Nakakahiya tuloy.  :'S
"O sige ho." Nahihiya kong sagot. Hindi ko na magawang kontrahin pa ang sinabi ni manong.

Haaaay bakit ko ba nakakalimutan na nandito nga pala si manong? Pati ang paghina ng ulan di ko napansin. Nakakaloka naman!
Tumingin ako sa labas para malaman kung gaano na kahina ang patak ng ulan. At mukhang maliliit na nga lang ang patak.
Lumapit ako sa pintuan ng jeep saka duon muna ako pumwesto. Hindi ko na muna inabala si Mr gwapo na mayabang pero thoughtful.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay may kulay pink na kotse na huminto malapit sa jeep na sakay namin. Maganda ang kotse at mukhang mamahalin. Sosyal na sosyal kaya malamang sosyal din ang nakasakay dun.

At nang bumukas ang pinto ng driver seat at lumabas ang may-ari ng kotse na may hawak ng transparent na pink na payong ay hindi nga ako nagkamali.
Para syang isang mayamang leading lady sa isang teleserye, hindi! para syang prinsesa sa isang modern fairytale.
At mukhang palapit sya sa akin.

"Excuse me, have you seen Alexis Williams?" 
 Huh? Alexis Williams?  Sino naman yun?

"Ah miss wala akong kilalang Alexis Williams eh pasensya na."

"What?! Seriously?" Gulat na gulat nyang tanong.

Bakit kailangan ba kilala ko sya? Babaeng to!
"Seriously miss, I really don't know that girl." Sagot ko.

"OMG! I can't believe this! Saang bundok ka ba galing miss?" Sarkastiko nyang tanong.

"Pamela! What are you doing here?!"

"Alexis!"

Napatingin ako sa lalaking nasa likuran ko lang kanina at walang pakialam sa mundo.
Sya si Alexis? Lalaki si Alexis?

Mabilis syang dumaan sa harapan ko at bumaba ng jeep.

"What are you doing here?! Di ba sabi ko wag kang pupunta dito? Hindi mo ba alam na delikado magdrive ngayon dahil madulas ang daan?!" -alexis

So sya pala ang girlfriend nya na kausap nya sa phone kanina. Infairness bagay na bagay sila.
Parang may bigla naman kumurot sa puso ko dahil sa isiping iyon.

"Sorry na, nag-alala lang naman ako sayo eh. Wag ka nang magalit please.." -pamela

Nakalimutan na yata nila na nandito ako?

"For Pete's sake Pamela I'm already 21 and I can take care of myself! Eh ikaw? You're just 18 and you're a girl! Sino sa atin ang mas dapat mag-alala?" -alexis

Nag-alala talaga sya para sa girlfriend nya. Nakakainggit si pamela . Ang swerte naman nya. Sabagay swerte din si alexis sa kanya.

"I'm really sorry... Please don't get mad..." -pamela
Nakita kong parang maiiyak na si pamela.
Nakita ko ring napabuntonghininga si alexis saka parang may kukunin sa body bag na suot nya. Then bigla syang natigilan na parang may naalala.
Tumingin sya sa akin.

"Oh bakit?" Tanong ko.

Napahawak sya saglit sa ulo nya bago sya bumaling muli sa humihikbi na na si pamela.

"Okay... I'll buy a chocolate for you. Stop crying."

Nagulat ako sa sinabi nya.
Chocolate daw ba? So para kay pamela pala yung kinain kong toblerone. =__=

"Really?" mabilis naman na sagot ni pamela.
Tumango lang si alexis.
"Thank you!" tuwang tuwa na sabi ni pamela.
"Okay. Let's go."

Kinuha ni alexis ang payong na hawak ni pamela saka sya ang nagpayong dito. Mabilis naman na kumapit sa braso nya si pamela. Lalakad na sana sila ng biglang bumaling sa akin si alexis.

"Gusto mong sumabay?"

"Hah? Ah hindi na maghihintay na lang ako ng jeep. Salamat."

"Baka matagalan ka pa okay lang naman kung sasabay ka samin diba pam?"

"Hah? Ah yeah ofcourse!" Sagot naman ni pamela na ngumiti pero parang pilit.

"Naku salamat nalang talaga pero di nyo na kailangan mag-abala."

"Kung ganun pala, maiwan ka na namin."

Tumango na lang ako.





Kung alam nya lang kung bakit ako tumatanggi...

Yun ay dahil sa hindi ko maintindihang sakit na nararamdaman ko habang nakikita ko sila.

***

 Present time...


Hindi ko alam kung nalungkot kayo o nainis o natawa sa kwento ko. Pero ako natuwa at nalungkot.
Ang tagal na pero hanggang ngayon di ko pa rin sya nakakalimutan.
Simula nung maghiwahiwalay kami ng araw na yun, hindi ko na siya nakita sa personal.
Pero sa TV nakikita ko sya. Sikat na sikat na sya ngayon.
Kaya pala takang taka si pamela kung bakit di ko sya kilala kasi napapanuod na pala sya sa isang reality show sa TV noon.
Pero hindi pa sya kasing sikat ng sa ngayon at saka iba ang itsura nya sa TV. Mas gwapo sya sa personal pero iba din ang appeal nya sa TV.
Nalaman ko na lumalabas sya sa TV nang minsang pag'usapan sya ng ibang kaklase kong babae. Fans na pala nya ang mga classmates ko. Nakakatuwa.

Wala akong balita sa lovelife nya. Kasi hindi naman artista si pamela. At saka walang tsismis na nababalita about sa lovelife nya.

Kapag naaalala ko ang unang pagkikita namin, naiinspired ako. Nangangarap na sana dumating ang panahon na magtagpo ulit ang landas namin.


May ikinwento sa akin si manong driver nung makaalis na sila alexis.
"Mayroon daw mag-inang ibon, nagkahiwalay sila nung itlog pa lang yung anak. At yung anak lumaking kasama ng mga bibe. Matagal syang hinanap ng kanyang ina hanggang sa kusa na itong tumigil dahil sa paniniwalang babalik din ito dahil sya ang ina nito. Lumipas pa ang matagal na paghihintay. Hanggang sa isang araw habang sya ay naghihintay ng makakaing isda na tatalon mula sa ilog ay may nakita syang isang kumpulan ng mga bibe na lumalangoy. May napansin syang kakaiba sa mga ito. Hindi ito bibe pero kasama ng mga bibe na lumalangoy sa ilog. Napansin nya rin ang pagkakahawig ng kanilang pakpak ay balahibo. Lumipad sya palapit sa mga ito at nagulat ang lahat ng mga bibe. Natuwa silang lahat ng makita sya at ang pinakamatandang bibe ay nagsalita at sinabi sa kakaibang kasama nila na, "anak sya ang tunay mong ina." 
Ayun dun na natapos ang kwento.

Tinanong ko sa sarili ko noon, bakit ba sakin kinwento ni manong yun?
Tapos inisip ko na baka kinwentuhan nya ako para di ako mainip sa paghihintay ng jeep.

Hindi ko talaga nagets ang ibig sabihin ni manong sa kwento na yun.
Pero ngayon naiintindihan ko na ang mensahe.
Mas nauna pa pala nyang nalaman ang tunay kong nararamdaman.
Napahanga nya ako.


Oo nga pala hanggang ngayon nasa akin parin yung kahon ng toblerone na binigay sa akin ni alexis  3 years ago.
Bakit? Kasi kapag naiisip ko na ibinigay nya sakin yun kahit na para kay pamela dapat yun, feeling ko kahit isang beses lang pinahalagahan nya ako. Kasi hindi sya nagdalawang isip na ibigay sa akin yun para lang may makain ako.

Noon hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko, ngayon sigurado na ako.


I'm in love with that man since the day I first saw him sa JEEP.

THE END
====#==============#=============#================#===
 #brokilya ♥